Mga Madalas na Katanungan Patungkol sa Allergy Skin Prick Test. . . .

A.   Ano ang Allergy Skin Prick Test?

Ito ay isang paraan upang matukoy kung ang isang pasyente ay may allergy sa isang particular na allergen, ito ay maaaring pagkain o mga bagay na nalalanghap sa paligid tulad ng alikabok, balahibo ng hayop o pollen.

B.   Sino ang maaaring magsagawa ng Allergy Skin Prick Test?

Isang manggagamot na nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng allergy o isang allergologist/allergist and maaaring magsagawa ng eksaminasyong ito.

C.   Paano ginagawa ang Allergy Skin Prick Test?

Matapos linisin ng alcohol ang ibabaw ng braso (forearm) o di kaya ang likod ng pasyente, ang mga mumunting patak ng allergen ay ilalagay na magkakahilera na isang pulgada ang pagitan. Gamit ang lancet iaangat ang pinaka-ibabaw na balat (prick test) para makapasok ang allergen. Matapos ang mga 15-20 minuto, ang balat ay eeksaminin para sa pamumula (flare) at pamamantal ( wheal)

D.   Sino – sino ang maaring sumailalim sa Allergy Skin Prick Test?

Bata o matanda, anumang edad na may sintomas ng allergy tulad ng bronchial asthma, allergic rhinitis, atopic dermatitis, anaphylaxis, urticaria ay maaaring sumailalim sa eksaminasyong ito.

E.   May mga bawal bang pagkain o gamut bago sumailalim sa Allergy Skin Prick Test?

Simple lang ang paraan ng Allergy Skin Prick Test at hindi kinakailangang umiwas sa anumang pagkain bago sumailalim ditto. Datapwat ang mga gamut na kung tawagin ay antihistamines katulad ng cetirizine, hydroxyzine, diphenhydramine, loratadine, levocetirizine at fexofenadine ay kinakailangang itigil muna 5 araw bago ang takdang petsa ng eksaminasyon dahil makaka-apekto ito sa resulta ng skin test.

 Kung hindi kayo sigurado sa gamut na inyong iniinom, mas mabuti kumunsulta sa inyong allergist para makasiguro.